Inaresto ang mahigit 300 katao kabilang ang ilang mga mambatatas matapos ang marahas na kilos-protesta sa Kenya.
Nagsimula ang gulo nang manawagan si opposition leader Raila Odinga ng kilos protesta kontra sa liderato ni President William Ruto dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin at buwis.
Naganap ang sagupaan ng pwersa ng pulisya at protesters sa capital ng Kenya sa Nairobi matapos ituloy ng gobyerno ang taas-presyo ng mga bilihin sa kabila ng utos ng korte na itigil ito.
Ayon sa mga nagpo-protesta, gumamit ang mga pulis ng tear gas dahilan kaya ilang mga bata ang dinala sa pagamutan dahil sa hirap sa paghinga.
Iginiit naman ni Interior Minister Kithure Kindiki na hindi nila papayagan na magkaroon ng kaguluhan sa kanilang bansa kaya inaresto nila ang ilang mambabatas na nagpasimuno ng kilos protesta laban sa gobyerno. —sa panulat ni Jam Tarrayo