Umapela si Senate Minority leader Koko Pimentel sa publiko na ipaubaya na sa Diyos ang anumang hakbangin sa paglapastangan ng isang drag queen sa pananampalataya ng mga Kristiyano.
Sinabi ni Pimentel na mas makabubuting ipagdasal na lang natin ang drag queen upang mabigyan ito ng kapatawaran sa kanyang pagkakasala.
Umapela rin si Pimentel sa mga nagbabalak na maghain ng kaso sa mga sangkot sa viral video na pag-aralan muna ang batayang legal nito.
Sa kabilang banda ay pinayuhan ni Pimentel ang drag queen na kung gustong makilala at makakuha ng atensyon ng publiko na mag-isip ng ibang paraan sa halip na gumawa ng gimik na nakaka insulto sa religious beliefs.
Ang pagiging creative anya ay hindi nakabatay sa lakas ng loob na gumawa ng bagay na nakaka offend sa iba.
Hindi anya natin dapat hayaan kumita ang drag queen na ito mula sa kasuklam-suklam na gawain. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News