dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang tulong sa informal settlers na maaapektuhan ng North-South Commuter Railway project

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapaaabutan ng tulong ang informal settler families na maaapektuhan ng North-South Commuter Railway project, o ang 147-kilometer railway project na magkokonekta sa Clark, Pampanga hanggang sa Calamba, Laguna.

Sa talumpati sa paglagda sa tatlong contract package ng NSCR system, inihayag ng pangulo na dapat ring alalahanin ang kapakanan ng informal settlers na masasagasaan ng proyekto.

Kaugnay dito, siniguro ng pangulo na nakatutok ang national government at maging ang mga lokal na pamahalaan upang matiyak na maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga maaapektuhang pamilya.

Hinimok din nito ang mga kaukulang ahensya na magtulungan upang tugunan ang mga magiging isyu sa project right-of-way.

Samantala, humiling din ang pangulo ng pang-unawa at pasyensya mula sa publiko para sa abalang idudulot ng proyekto. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author