Nanawagan ng panalangin si Pope Francis para sa dating lider ng Simbahang Katolika na si Pope Emeritus Benedict XVI.
Sa General Audience na ginanap sa Vatican, Miyerkules ng umaga humiling ang Santo Papa Francisco na ipagdasal si Pope Emeritus Benedict XVI na ngayon ay may malubhang karamdaman.
“I would like to ask you all for a special prayer for Pope Emeritus Benedict, who in silence is supporting the Church. Remember him – he is very ill – asking the Lord to console him, and sustain him in this witness of love for the Church, until the end.” (General Audience, December 28, 2022)
Kahit na tahimik ang dating Santo Papa ay patuloy pa rin itong sumusuporta sa simbahan, dagdag ng Santo Papa.
Hinimok niya ang mga mananampalataya na ipagdasal ang dating Santo Papa upang patuloy itong aliwin at palakasin ng Panginoon upang siya ay maging saksi ng pag-ibig para sa simbahan.
Pebrero 2013 ng kontrobersyal na magbitiw si Pope Emeritus Benedict matapos ang pitong taon na paninilbihan bilang Santo Papa ng Simbahang Katolika.