dzme1530.ph

Cong. Rufus Rodriguez, hinimok ang pamahalaan na panindigan ang 2016 Arbitral Ruling

Hinimok ni Cong. Rufus Rodriguez ang administrasyong Marcos para panindigan na ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na nagpawalang saysay sa “nine dash line” claim ng China sa South China Sea o West Philippine Sea.

Ginawa ni Rodriguez ang panawagan kasabay ng paggunita sa ruling noong July 12, 2016.

Giit nito, dapat ng ipilit ng Pilipinas ang ipinanalong kaso at sabihin sa China na lumayas na sila sa lugar na sakop ng Philippine Exclusive Economic Zone, at itigil na rin ang pangha-harass at pambu-bully sa Philippine vessels at mga Pilipinong mangingisda.

Kinilala at pinasalamatan din nito ang United States of America, European Union at 16 European nations na hayagang sumang-ayon sa 2016 Arbitral Ruling.

Tahasan pang sinabi ni Rodriguez na sa suportang ipinapakita ng US, European nations at iba pang bansa, naging “pariah” o persona non grata ang China sa mata ng 2016 Arbitral Ruling. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author