dzme1530.ph

Mga dadalo sa ikalawang SONA ni PBBM, obligadong magpakita ng COVID-19 vaxx card

Obligado pa ring magpakita ng vaccination card bilang patunay na fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang lahat ng indibidwal na papasok sa Batasan Complex sa araw ng SONA ni Pangulong Bongong Marcos sa July 24.

Ito ang nilalaman ng memorandum na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco.

Ayon sa memorandum, pwede pa ring makapasok sa Batasan Building ang isang guest na may SONA invitation kahit na sila ay hindi pa nababakunahan, subalit dapat na silang mag presinta ng negative RT-PCR test na kinuha 48-hours bago ang event.

Optional na rin ang pagsusuot ng face mask pero lahat ng papasok sa alinmang gusali ng Kamara ay dadaan sa temperature check.

Inaabisuhan din ang lahat ng may SONA invitation at seat card na maari lamang silang pumasok sa plenary hall simula alas-2:00 ng hapon, at isasara na pagsapit ng alas-3:00.

Maging ang lahat ng gates sa palibot ng Batasan Complex ay sarado na rin ganap na alas-3:00 o hanggang sa oras na makarating ang Pangulong.

Mahigpit ring ipatutupad ang “NO SONA 2023 CAR PASS, NO ENTRY” policy. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author