dzme1530.ph

Planta ng yelo na nagka-ammonia leak sa Navotas, pansamantalang ipinasara ng BFP

Pansamantalang kinordonan ng mga awtoridad ang isang planta ng yelo matapos magkaroon ng  ammonia leak sa Navotas City, kagabi.

Ito ay para bigyang-daan ang ikakasang masusing imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung bakit nagkaroon ng ammonia leak incident sa 168 Tube Ice sa Brgy. NBBS Kaunlaran.

Matatandaang bandang alas-11:47 kagabi nang mangyari ang insidente kung saan kinailangang lumayo ng ilang residente na malapit sa lugar at agad din naman itong napahupa bandang alas-12:10 ng hating gabi.

Wala namang naitalang naapektuhang residente pero inaalam din kung nakasunod sa mga alituntuntin ang mga operator nito. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author