dzme1530.ph

Mga sangkot sa kontrobersiya sa NBI, dapat managot!

Managot ang dapat managot.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go kaugnay sa mga kontrobersiyang bumabalot ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Tinukoy ni Go ang paglabas-pasok ng high profile inmate na si Jad Dera sa kanyang detention facility at ang sexy dance scandal sa ahensya.

Sinabi ni Go na maituturing na elite law enforcement agency ang NBi kaya’t hindi katanggap-tanggap ang mga ganitong uri ng kontrobersiya sa kanilang hanay.

Binigyang-diin ni Go na dapat mabusising maigi ang mga isyung ito at papanagutin ang nagkasala.

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Go na iilan lamang sa mga tauhan ng NBI ang nasasangkot sa mga kalokohan at mayorya pa rin sa mga ito ang matitino.

Malaki anya ang tiwala nya sa ahensya at mareresolba rin ang anumang kinakaharap nitong isyu. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author