Aabot sa 200 na barangay sa iba’t ibang panig ng bansa ang itinuturing ngayon na areas of possible concern ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Nangangahuluhan ito na mayroon pang presensya ng active at weakened na mga rebeldeng grupo sa mga nasabing barangay.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar sa naganap na press briefing sa Kampo Aguinaldo, ilan sa mga ito ay mula sa Northern Samar at iba pang panig ng bansa, habang 12,000 barangay naman ang malaya na mula sa mga komunista.
Paglilinaw ni Aguilar, areas of possible concern pa lamang ito at hindi pa maituturing na hotspot dahil patuloy na bineberipika pa nila ito katuwang ang Commission on Election (COMELEC).
Nilinaw din ni AFP PAO Chief LtCol. Enrico Gil Lleto na ang mga barangay na itinuturing na hotspot o area of concern ay hindi nangangahulugna na pinamumugaran na ng mga rebelde ang buong barangay. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News