Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) na handa ang kanilang pwersa sakaling magkasa ng cloud seeding operations ang pamahalaan sa gitna ng pangambang magkulang ang suplay ng tubig dulot ng El Niño at mababang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay PAF Spokesperson, Col. Bon Castillo, matagal nang ginagawa ng Air Force ang cloud seeding at nakaantabay na rin aniya ang kanilang LC210 at NOMAD 22 na siyang magsasagawa ng cloud seeding operations sa Angat Dam.
Patuloy din aniya ang pakikipag ugnayan nila sa DA-Bureau of Soils and Water Management at Water Resources Management Division para sa naturang aktibidad. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News