Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na ni Deputy Speaker at Las Pinas Congresswoman Camille Villar ang pamahalaan ng pondo bilang pang ayuda sa mga magsasaka na maaapektuhan ng El Niño.
Ayon kay Villar, noong 2019 nang maramdaman sa bansa ang El Niño na sinabayan pa ng malalakas na bagyo at nagdulot ng pinsalang aabot sa P8-B sa sektor ng agrikultura.
Kung ikukumpara ang sitwasyon noong 2019 sa ngayon, matinding tag-tuyot na agad ang nararanasan sa apat na probinsya sa Hilagang Luzon, at inaasahang tataas pa sa 30 lalawigan ang mapeperwisyo ng El Niño.
Bukod sa tulong pinansiyal, iminungkahi rin ni Villar ang mag-alok ng pautang at cash-for-work scheme sa mga apektadong magsasaka.
Una nang isinulong ni Villar ang House Resolution 1024 para alamin ang paghahandang ginagawa ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor na tatamaan ng El Niño phenomenon. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News