Kilala ang pulang munggo sa tawag na adzuki beans at red mung bean.
Ito ay masarap na sangkap sa dessert, lalo na sa halo-halo.
Batay sa pag-aaral, ang pagkain ng red mung bean ay maganda sa kalusugan ng kalamnan dahil sagana ito sa protina, magnesium at calcium.
Mayaman din ito sa amino acids gaya ng leucine at arginine na katuwang sa magandang muscle mass.
Kaya iminungkahi ang pagkain ng red beans bago o pagkatapos ng mga mabibigat ng gawain para tumagal sa physical activity. —sa panulat ni Airiam Sancho