dzme1530.ph

CHEd, iprinisenta ang accomplishments sa unang taon ng administrasyon

Iprinisenta ng Commission on Higher Education (CHEd) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anim nilang accomplishments sa unang taon ng administrasyon.

Sa press briefing sa Malakanyang, tinukoy ni CHEd Chairman Prospero de Vera III bilang unang accomplishment ang universal access to quality tertiary education, kung saan napalawig sa mahigit 200 public universities at colleges ang access sa libreng tertiary education.

Pangalawa ay ang pag-comply sa European Maritime Safety Agency Standards at patuloy na pag-aangat sa maritime education ng bansa bilang world class, na itong nagbigay-daan para ibasura ng European Commission ang bantang pag-ban sa Pinoy seafarers sa EU vessels.

Pangatlo ay ang pagtugon sa isyu sa edukasyon ng nurses at mga agarang aksyon upang maibsan ang shortage o kakulangan ng nurses sa bansa.

Pang-apat ay ang pag-eexpand ng medical education, panlima ay ang pagsusulong ng mga programa sa science, technology, engineering, at mathematics upang makapag-hulma ng world class Filipino manpower, at ang pang-anim ay ang internationalization ng Philippine Higher Education.

Iginiit ni de Vera na ang kanilang accomplishments ay suportado ng indicators at mga datos, at sa unang taon pa lamang ng administrasyon ay nagkaroon na ng malaking achievement at pagbabago sa higher education sector. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author