dzme1530.ph

Mt. Fagradalsfjall sa Iceland, pumutok na!

Tuluyan nang sumabog ang Mount Fagradalsfjall sa Reykjanes Peninsula, Iceland.

Ito ay matapos ang anim na araw simula nang makapagtala ang Icelandic Meteorological Office (IMO) ng seismic activity sa naturang bulkan.

Sa record ng IMO, nagkaroon ng mahigit 4,700 earthquakes sa first 72 hours ng seismic activity ng bulkan at tinatayang nasa 200 hanggang 300 meters ang haba ng fissure o bitak.

Ayon sa ahensya, inaasahan na nila ang eruption ng bulkan dahil sa serye ng lindol na nararanasan sa lugar at sa kaparehong pattern na naitala noong sumabog din ito taong 2021 at 2022.

Samantala, inabisuhan na ng Norwegian police ang mga residente malapit sa bulkan na lumikas at mag-ingat sa lason dala ng toxic volcanic gas na inilalabas ng bulkan. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author