Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P48.8-M para sa pagkumpleto sa konstruksyon ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Trece Martires City sa Cavite.
Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang pagre-release ng pondo sa Department of Health (DOH) para sa karagdagang construction works sa Cavite Drug Rehab Center.
Kukunin ang pondo sa grant proceeds mula sa Japan International Cooperation Agency – Program for Consolidated Rehabilitation of Illegal Drug Users (JICA – CARE), at automatic appropriations sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.
Ayon kay Pangandaman, hindi lamang ang pagpapatupad ng batas sa illegal drugs ang priority ng administrasyong Marcos kundi pati ang rehabilitasyon ng drug users.
Kaugnay dito, tiniyak ng DBM na magpapatuloy ang paglalaan ng pondo para sa pagpapanatili ng facilities ng bansa sa drug abuse treatment at rehabilitation. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News