dzme1530.ph

DENR at iba pang ahensya, pinagsusumite ng plano laban sa El Niño

Inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Water Resources Management Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya, na mag-sumite ngayong linggo ng plano upang maagapan ang epekto ng El Niño.

Sa meeting sa Malakanyang, inihayag ng Pangulo na naghahanda na si DENR Sec. Ma. Antonia Yulo Loyzaga na isapubliko ang mga gawaging hakbang laban sa matinding tagtuyot.

Nakikipagtulungan na rin umano ang DENR sa Department of Public Works and Highways, Department of Agriculture, at National Irrigation Administration.

Iginiit naman ng Pangulo na dapat nang mag-shift ang bansa sa paggamit ng surface water mula sa ground water at wells o mga balon.

Binubuo na rin umano ang disenyo ng catchment basins hindi lamang para makontrol ang mga pagbaha kundi upang magamit din ito sa irigasyon at maging sa paglikha ng enerhiya. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author