Nagkasundo ang Pilipinas at Mexico sa pagpapalakas ng kooperasyon sa kalakalan at kultura.
Ito ay sa presentasyon ng credentials ni mexican ambassador to the Philippines Daniel Hernandez-Joseph kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang.
Inilarawan ni Hernandez-Joseph ang Mexico at Pilipinas bilang connectors ng Asya at America.
Iginiit naman ni Pangulong Marcos na hindi na balakid ngayon ang pagiging malayo ng Mexico sa Pilipinas dahil itinuro na ng pandemya sa mga tao ang pakikipag-transaksyon kahit hindi bumabiyahe nang pisikal.
Sinabi pa ng Pangulo na ang makabagong ekonomiya ay nangangailangan ng bagong workforce na may kakaibang skills o kakayanan.
Nagpasalamat din si Marcos sa Mexico dahil sa pangangalaga sa Filipino community sa kanilang bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News