Pinaalalahanan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang mga water concessionaire na may obligasyon sila sa publiko na agad tugunan ang kakapusan ng suplay ng tubig sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon.
Sinabi ni Go na kaya isinapribado ang mga kumpanya ng tubig ay upang maibigay ang maayos na serbisyo sa publiko kapalit ng maayos na pagbabayad ng mga consumer.
Ayon sa senador, napakahirap nang walang tubig lalo na’t nasa kalagitnaan pa rin ng COVID-19 pandemic ang bansa.
Mahalaga anyang maging kumbinyente para sa lahat ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng malinis na tubig. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News