Binigyan ng Pardon ni Incumbent South Korean President Yoon Sukyeol si Former South Korean President Lee Myungbak, na convicted sa korapsyon at iba pang mga kaso.
Kasalukuyang pinagbabayaran ni Myungbak ang labing-pitong taong sintensya dahil sa corruption, embezzlement, at bribery.
Gayunman, ilang beses siyang nabigyan ng pansamantalang kalayaan para sa medical treatment, at noong Hunyo ay sinuspinde ng prosecutors ang kanyang pagkakakulong bunga ng kanyang lumulubhang-lagay ng kalusugan.
Dahil sa pardon, kakanselahin na ang nalalabing labing-limang taong sintensya ng otsenta’y uno anyos na former leader.
Si Myungbak ang ikaapat na Presidente ng South Korea na nabilanggo ngunit nabigyan din ng pardon ang kanyang successor na si Park Geunhye, na nadawit din sa corruption scandal.