Bibisita sa Pilipinas si South Korean President Yoon Suk Yeol.
Ito ang inanunsyo ni South Korean Ambassador-Designate Lee Sang-Hwa sa presentasyon ng kanyang credentials kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang ngayong araw ng Lunes.
Ayon kay Lee, kung hindi man ngayong taon ay siguradong sa susunod na taon mangyayari ang pag-bisita ng South Korean president, kasabay ng paggunita sa ika-75 anibersaryo ng pagiging bansa ng South Korea.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na umaasa siyang makakapulong niya ang South Korean leader sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa America sa Nobyembre.
Samantala, kumpirmado nang bibisita sa Pilipinas ngayong taon sina South Korean National Assembly Speaker Kin Jin-Pyo at ang South Korean foreign minister, upang makipagkita sa kanilang counterparts para sa pagpapalakas ng relasyon. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News