dzme1530.ph

Pilipinas, uutang ng $600-M sa World Bank para sa PH rural development project scale-up

Uutang ang Pilipinas ng panibagong $600-M o P33.35-B mula sa World Bank, para sa Philippine Rural Development Project (PRDP) scale-up.

Lumagda ang Department of Finance at World Bank sa multi-million dollar loan agreement para sa PRDP project, na magsusulong ng modernisasyon at industriyalisasyon ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng public infrastructure at pagpapalakas ng commodity value chain.

Palalakasin din nito ang access sa market ng mga magsasaka upang mapalaki ang kanilang kita.

Saklaw ng proyekto ang lahat ng rehiyon sa bansa, at inaasahang makikinabang dito ang nasa 450,000 na magsasaka at lilikha ng 42,000 na bagong trabaho.

Kabuuang P45.01-B ang gagastusin para sa PRDP project, at ang nalalabing $218-M ay sasagutin ng national government at mga lokal na pamahalaan. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author