Kabuuang isandaan limampu’t limang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa iba’t ibang Police Units sa Metro Manila simula Enero hanggang Disyembre 26 ngayong taon.
Ayon sa National Capital Region Police (NCRPO) simula Enero, ay labing-anim na CPP-NPA members ang inaresto habang isa ang napaslang sa police operation.
Ang pinakahuling sumuko ay kinabibilangan ng limampu’t limang dating rebelde, kasabay din ng pagsuko nila sa mga autoridad ng kanilang mga armas at mga bala.
Kasunod ng pagkamatay ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison ay hinimok ng pamahalaan ang mga rebelde na talikuran na nila ang armadong pakikibaka at bumalik na normal na pamumuhay.
Ang mga sumuko ay nasa ilalim ng kustodiya ng NCRPO para sa debriefing at makatatanggap ng ayuda para sa kanilang pagpasok sa Enhanced Comprehensive and Local Integration Program ng gobyerno.