Kasakukuyan nang pinoprotektahan ng flood control structures ang mga pantalan o coastal communities sa Zamboanga City.
Ito’y matapos makumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P47-M flood-mitigation structure sa nabanggit na siyudad sa Zamboanga Peninsula region.
Ayon kay DPWH Regional Office 9 Director Cayamombao Dia, ang 315-linear meter shoreline protection structure na may 1 meter crest width ay nagbibigay proteksyon sa mga residential at agricultural areas sa coastal barangay ng Limpapa laban sa baha, storm surge, at malakas na agos ng tubig dagat.
P50-M ang inilaan ng kagawaran mula sa 2023 General Appropriations Act (GAA) para sa on-going second phase ng proyekto, na sumasaklaw sa 283 linear meters at nilalayong i-redirect ang tubig sa baybayin palayo sa lugar.
Ang mga construction work para sa flood control project ay isinagawa ng DPWH Zamboanga City District Engineering Office. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News