dzme1530.ph

Binurang P57.55-B utang ng mga magsasaka sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act, hindi makaaapekto sa revenue ng gobyerno

Kampante ang gobyerno na hindi makaaapekto sa kanilang revenue o kita ang isinantabing P57.55-B na halaga ng utang ng agrarian reform beneficiaries, sa ilalim ng nilagdaang New Agrarian Emancipation Act.

Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, wala itong magiging impact sa “fiscal picture” ng gobyerno dahil napag-planuhan na ang mga pagkukunan ng revenue sa susunod na limang taon, at hindi umano kasama sa computation ang utang ng mga magsasaka.

Kasabay nito’y iginiit ni Diokno na sa pagpapatakbo ng pamahalaan ay hindi lamang dapat efficiency ang iniisip kundi dapat ding tutukan ang social justice.

Matatandaang sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act, binura ang P57.55-B na utang ng 610,054 ARBs, kabilang ang interests, penalties, at surcharges mula sa mga lupang ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author