dzme1530.ph

Libreng tuition sa masteral degrees ng mga kawani ng pamahalaan, iginiit!

Isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada ang panukala para sa pagkakaloob ng libreng matrikula sa mga kawani ng gobyerno na kumukuha ng master’s degree sa mga state universities and colleges (SUCs).

Inihain ni Estrada ang Senate Bill No. 2277 o ang proposed Government Employees Free MA Tuition in SUCs Act upang gawing libre ang tuition sa mga SUCs ng mga career at non-career na empleyado ng gobyerno na nais makapagtapos ng dalawang taon na masteral program.

Ayon sa senador, may ilang ahensya na nagbibigay na ng scholarship grants tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Presidential Communications Office (PCO) sa mga kwalipikadong kawani na nais kumuha ng masteral degree.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang mga matataas na posisyon sa gobyerno ay ibinibigay sa mga kawani na mayroong master’s degree upang matiyak na may sapat na kakayahan at kaalaman ang mga kawani.

Ang gastusin sa pagkuha ng masteral degree ay nasa P800 hanggang P1,500 bawat unit o nagkakahalaga ng P19,000 hanggang P50,000 na matrikula upang matapos ang 24-unit program. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author