dzme1530.ph

Paglalagay ng bike lanes, dapat gawin sa buong bansa!

Iginiit ni Senador Pia Cayetano na hindi lamang dapat sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan dapat naglalagay ng bike lanes upang mahikayat ang mobility sa mga Pilipino.

Ang pahayag ay ginawa ni Cayetano bilang pagsuporta sa paglalagay ng 37.5 kilometers na bike lanes sa San Fernando City sa Pampanga na proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Si Cayetano ang principal sponsor ng Senate Bill No. 1290 o ang proposed Walkable and Bikeable Communities Act na naaprubahan na sa 3rd and final reading ng Senado noong isang taon.

Aminado naman ang senador na may mga lugar partikular sa urban centers na ang mga kalsada ay pinagsasaluhan ng mga pedestrians, cyclists at motorists.

Sa ganitong pagkakataon anya dapat magkaroon ng malinaw na signages at may edukasyon para sa lahat ng concern upang matiyak ang kaligtasan. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author