dzme1530.ph

Panukalang legislated wage hike, suportado ni Sen. Ejercito

Dapat maibalanse ang pangangailangan ng mga empleyado at kakayahan ng mga employer sa pagsusulong ng dagdag na sahod sa mga manggagawa.

Ito ang binigyang-diin ni Senador JV Ejercito kaugnay sa pagtiyak ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na isusulong pa rin ang legislated P150 across the board wage increase.

Aminado ang senador na sadyang kailangan na ng mga manggagawa ang dagdag-sahod bunsod ng mga nagtaasang presyo ng mga bilihin at maging mga serbisyo.

Kaya naman susuportahan ng mambabatas ang panukala ni Zubiri para sa umento sa sahod sa buong bansa.

Sinegundahan din nito ang panawagan ng Senate Leader sa mga employer na may kakayahan na sa halip na ipambili ng mga luxury items ay magbigay na lamang ng insentibo sa mga empleyado. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author