Matatapos na ang pagbuo ng implementing framework para sa pagpapatakbo ng Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.
Ito ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ay dahil nasa final phase na ang panukala at inaasahang magiging fully operational sa bansa bago matapos ang taong 2023.
Aniya, sakaling maaprubahan, agad na ilalatag ang mga Implementing Rules and Regulations ng MIF Bill.
Matatandaang nitong Miyerkules nang kumpirmahin ng Presidential Communications Office na nasa Malakanyang na ang kopya ng panukalang batas.
Inaasahan ding pipirmahan ito ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo a-24.
Una nang sinabi ng Finance Secretary na mapapanatili ng MIF bill ang transparency, accountability, fund integrity, at mas matibay na risk management sa bansa. —sa panulat ni Joana Luna