Sinibak na sa trabaho ng Korte Suprema ang isang empleyado dahil sa pagnanakaw sa koleksyon ng korte na umabot sa P277,000.
Nakasaad sa desisyon ng Court En Banc na si Charlibeth Sicad na Clerk III sa Cashier Unit ng Office of the Clerk of Court sa Metropolitan Trial Court, Makati City ay napatunayang Guilty of Gross Misconduct Constituting Violation of the Code of Conduct for Court Personnel, Serious Dishonesty, at Commission of a Crime involving Moral Turpitude.
Bukod naman sa dismissal order ay iniutos din ng Korte Suprema na ma-forfeit din ang kanyang mga matatanggap na benepisyo at pribilehiyo.
Hindi na rin siya maaaring magtrabaho sa alinmang ahensya ng gobyerno, maging sa mga government-owned or controlled corporations.
Kasabay nito ay agad na inihain ang criminal charge o qualified theft laban kay Sicad at ito ay nakabinbin na sa trial court. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News