dzme1530.ph

“It’s More Fun in the Philippines”, dapat manatili na lang na tourism slogan ng bansa

Kung si Senador JV Ejercito ang tatanungin, mas nanaisin niyang manatili na lamang ang “It’s More Fun in the Philippines” na slogan ng bansa.

Ito ay dahil nabalot na agad ng kontrobersiya ang bagong slogan na “Love the Philippines” dahil sa palpak na promotional video.

Binigyang-diin ni Ejercito na bukod sa magastos ang paglulunsad ng bagong tourism slogan ay kakailanganin din ng mahabang panahon bago makakuha ng recall ang anumang kampanya.

Sa kabilang dako, iginiit ng senador ang kanyang patuloy na suporta at tiwala kay Tourism Secretary Christina Frasco na inilarawan nitong dynamic, innovative at proactive.

Hindi anya dapat matabunan ng hindi magandang pangyayari ang kasipagan ng kalihim sa pagsusulong ng turismo ng bansa para sa economic growth. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author