Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpapasalamat ng mga kongresista kay Pangulong Bongbong Marcos sa paglagda nito sa New Agrarian Emancipation Act.
Ang bagong batas na ito ang nagbubura sa lahat ng pagkakautang ng 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na nagbubungkal sa 1.173-M hectares na ipinamahaging lupa ng pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Sa kabuuhan P57.56-B ang utang ng mga ARBs ang hindi na sisingilin ng Marcos administration.
Tiwala si Romualdez na magiging panimulang hakbang ito sa mga magsasaka para umangat ang productivity ng bawat sakahan, at magpapa-angat din sa kalidad ng kanilang pamumuhay.
Ayon sa New Agrarian Reform Emancipation Act, muling ibabalik ng gobyerno sa mga magsasaka ang lupang ipinamahagi sa ilalim ng CARP subalit binawi dahil sa hindi nila ito nabayaran.
Aakuin na rin ng gobyerno ang obligasyon ng 10,201 ARBs na nagsasaka sa 11,531.24 ektaryang lupa na saklaw ng Voluntary Land Transfer o Direct Payment Scheme na umaabot sa halos P207-M. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News