Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang New Agrarian Emancipation Act na magco-condone sa P57.55-B na halaga ng utang ng mahigit 600,000 agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Pinangunahan ng Pangulo ang ceremonial signing ng Republic Act no. 11953, sa Kalayaan Hall sa Palasyo ng Malakanyang ngayong Biyernes ng umaga.
Sa ilalim ng bagong batas, ico-condone ang loans kabilang ang interests, penalties, at surcharges ng 610,054 ARBs, na nagsasaka sa kabuuang 1.17-M na ektarya ng lupa.
Ang mga magsasaka at farmworkers na nabigyan ng lupa sa ilalim ng Presidential Decree no. 27, Republic Act no. 6657, at Republic Act no. 9700, kung saan sila ay inobligang bayaran ang lupa sa taunang amortizations sa loob ng 30 taon.
Gayunman, dahil sa New Agrarian Emancipation Act ay burado na ang kanilang mga utang.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa seremonya sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III, Finance Sec. Benjamin Diokno, at mga benepisyaryong magsasaka. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News