dzme1530.ph

Regulasyon sa pasahe sa mga tri-wheels sa Maynila, isinusulong!

Isinusulong ngayon ng konseho ng Lungsod ng Maynila ang pagkakaroon ng standard fare sa lahat ng tri-wheels na bumibiyahe sa siyudad, kabilang dito ang traysikel, pedicabs at e-trikes.

Ayon kay Manila Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto, nakapasa na sa ikalawang pagbasa ang panukalang ordinansa na nagtatakda ng pasahe sa mga traysikel.

Ipinanukala ito ni 1st District Councilor Jesus “Taga” Fajardo, Jr., Chairman ng Committee on Transportation, dahil sa walang standard fare matrix para sa mga traysikel sa lungsod.

Sa sandaling maipasa, itinakda ang base fare na P16.00 sa unang kilometro at karagdagang P5.00 sa bawat 500 metro na susunod.

Bukod sa traysikel, kasama rin sa tri-wheels ang pedicabs at e-trikes.

May kalakip na parusa ang mga abusadong tsuper ng traysikel na maniningil ng sobra sa mga pasahero. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author