dzme1530.ph

PCO, nagsauli na ng mahigit P824k na overpaid terminal leave benefits mula sa separated employees

Sinimulan nang isauli ng Presidential Communications Office (PCO) ang overpayments o labis na terminal leave benefits (TLB) mula sa kanilang separated officials at employees noong 2022.

Kinumpirma ng PCO na nag-issue ang COA ng audit observation memorandum kaugnay ng terminal leave benefits na nagkakahalaga ng kabuuang P26.77-M.

Sinabi ng PCO na hindi kumpleto ang documentary requirements nito, at ang utos umano sa pagbibigay ng terminal leave benefits sa separated employees ay nanggaling sa dati nilang management.

Bilang tugon sa COA report, pinadalhan na ng demand letters ang separated employees para obligahin silang ibalik ang labis na terminal leave benefits, at ipinare-repaso na rin ang approved TLB applications at submission ng incomplete requirements.

Sinabi ng PCO na nakapag-refund na sila ng mahigit P824,000 mula sa 38 separated personnel, at nai-deposito na ito sa Bureau of Treasury.

Nangako naman ang nalalabing pito pang separated employees na isasauli nila ang mahigit P203,000 na overpaid benefit.

Samantala, isinumite na rin ng PCO Human Resource Development Division sa COA ang statement of assets liabilities and net worth ng separated personnel para matugunan ang incomplete documents. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author