dzme1530.ph

DOT, inilunsad na ang Philippine Hop On – Hop Off Bus Tour sa Maynila

Umarangkada na sa Maynila ang Philippine “Hop-on, Hop-Off” Bus Tours ng Department of Tourism (DOT).

Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Tourism Sec. Christina Frasco, kasama si Vice Mayor Yul Servo Nieto at iba pang mga kawani ng ahensiya, ang naturang aktibidad sa Kartilya ng Katipunan Garden.

Layon nito na maipakita ang iba’t ibang makasaysayang lugar sa Maynila, historical sites, museo at iba pang mga patok na pasyalan.

Ipinaliwanag din dito kung paano makakapag-book ang mga turista gamit ang mobile app para makasakay sa mga bus tour.

Ang one-day pass ay nagkakahalaga ng P1,000 habang ang operation hours ay mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sinabi naman ni Tourism Sec. Frasco na hindi lingid sa lahat na maraming Pilipino at dayuhan ang gustong-gustong bumisita sa Maynila, na isa sa pinaka-popular na siyudad sa bansa. Gaya aniya ng linya sa isang kanta, “simply, no place like Manila.”

Magugunitang unang umarangkada ang Hop On – Hop Off Bus Tour sa lungsod ng Makati noong May 2023. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author