Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Zambales kaninang alas-3:16 ng hapon.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 25 kilometro sa Timog Kanluran na bahagi ng bayan ng Palauig.
May lalim ang lindol na 45 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Quezon City, habang itinaas sa Instrumental Intensity 3 ang mga bayan ng Botolan, Iba, Cabangan, at San Marcelino sa Zambales.
Sinabi naman ng PHIVOLCS na wala silang inaasahang afterschocks matapos ang naturang lindol. —sa panulat ni Airiam Sancho