dzme1530.ph

Kampanya ng PNP laban sa human trafficking, pinuri ng Singapore

Kinilala ng pamahalaan ng Singapore ang pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) sa pagligtas sa human trafficking victims sa serye ng mga pagsalakay sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Metro Manila, kamakailan.

Sa statement, pinasalamatan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Ministry of Foreign Affairs (MFA) ng Singapore sa pagkilala sa matagumpay na operasyon ng police force na nagresulta sa pagkakasagip sa apat na Singaporean nationals na kabilang sa 2,000 biktima umano ng human trafficking na nadiskubre sa isang POGO establishment na ni-raid noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Acorda na nagpapasalamat sila sa MFA ng Singapore sa hindi matatawarang suporta at pagkilala sa mga hakbang ng Pilipinas para sa diwa ng Asean solidararity laban sa transnational at cross-border crime.

Ang Pilipinas at Singapore ay founding members ng ASEAN Chiefs of National Police (ASEANAPOL), na binubuo ng lahat ng national police forces ng 10 ASEAN member states. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author