dzme1530.ph

South China Sea tension, dapat ihiwalay sa “people-to-people exchanges” -China

Hindi dapat madamay ang “normal cultural and people-to-people exchanges” sa tensyon sa South China Sea.

Ito ang binigyang diin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning kaugnay sa pagbabawal ng Vietnam na ipalabas ang “Barbie” movie sa kanilang bansa.

Ayon kay Mao, ang posisyon ng China sa sea dispute ay malinaw at hindi mababago.

Gayunman naniniwala aniya sila na dapat ihiwalay ang South China Sea issue sa cultural exchange ng kalabang bansa.

Nabatid na noong July 2016 ay ibinasura ng UN Permanent Court of Arbitration sa The Hague, ang nine-dash line theory ng China na umaangkin sa kabuuan ng South China Sea at pinagtibay sa ilalim ng 1982 unclos batay sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Samantala, inihayag naman ng Movie and Television Review and Classification Board na pinag-aaralan pa ng Committee on First Review kung papayagan ang commercial release ng pelikula sa Pilipinas. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author