Isusulong ng 20 legislative measures na inaprubahan sa ikalawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting, ang socioeconomic agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan, ang 20 priority measures ay naka-linya sa 8-Point Development Agenda at Philippine Development Plan.
Layunin nitong maibalik ang ekonomiya sa high growth trajectory na 6.5% hanggang 8% sa 2024 hanggang 2028.
Kaugnay dito, pagagandahin pa ng pamahalaan ang investment climate upang makalikha ng high quality jobs, tungo sa pagkakamit ng single-digit poverty level.
Mababatid na kabilang sa 20 legislative measures na inaprubahan sa 2nd LEDAC meeting ay ang amendments sa BOT Law o PPP bill, Proposed Internet Transactions Act/E-Commerce Law, E-Government/E-Governance Bill, Ease of Paying Taxes, National Government Rightsizing Program, Magna Carta of Filipino Seafarers, National Employment Action Plan, at Bank Deposit Secrecy. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News