Prayoridad ng Kamara sa pagbabalik ng sesyon sa July 24 ang Anti-Agricultural Smuggling Act, na isa rin sa hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting kahapon.
Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na agad nilang aaprubahan ang panukala dahil mahalaga itong sangkap sa adhikain ng Marcos administration na sawatain ang smuggling ng lahat ng agricultural products sa bansa.
Bukod sa Anti-Agri Smuggling amendments, may 20 panukala pa ang tatapusin ng Kamara at Senado bago matapos ang 2023.
Kaisa umano ng pangulo ang legislative branch sa kampanya nito laban sa unfair business practices kung saan consumers at lokal na magsasaka ang nagiging biktima.
Ilan sa panukala na napagkasunduan sa LEDAC meeting ay ang amendment sa BOT Law; PPP bill; National Disease Prevention Management Authority; Internet Transaction Act; E-Commerce law; Health Auxillary Reinforcement Team Act; Virology Institute of the Phils; Mandatory ROTC and NSTP; pagbuhay sa Salt Industry; Valuation Reform; E-Government o E-Governance; East of Paying Taxes at iba pa. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News