dzme1530.ph

Pagpapaigting sa relasyon ng Pilipinas at China, asahan sa administrasyong Marcos

Target ng Pilipinas na patatagin pa ang matibay na relasyon nito sa China sa kabila ng umiiral na sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz, bagaman inamin nito na maraming pagkakaiba ang dalawang bansa, hindi ito dapat maging hadlang upang maisulong ang nagkakaisang interes.

Isa aniya ang China sa mga bansang may maraming pledges pagdating sa pagpapalakas ng imprastraktura, pagtataguyod ng kalusugan, edukasyon at turismo.

Gayundin ang pagpapaunlad ng interconnectivity, enerhiya at agrikultura na nakalinya sa mga adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi pa ni Ambassador Florcruz na asahan pa ang mas maraming proyekto na maisasakatuparan sa tulong ng China sa mga susunod pang taon. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author