dzme1530.ph

Emmanuel Ledesma Jr., itinalaga na bilang opisyal na Presidente at CEO ng PhilHealth

Opisyal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Emmanuel Ledesma Jr. bilang President at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment ni Ledesma, na magsisilbi ring member ng expert panel ng PhilHealth Board of Directors.

Matatandaang si Ledesma ay unang itinalagang acting chief ng PhilHealth noong Nobyembre 2022.

Samantala, inanunsyo rin ang official appointment kay Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona Jr.

Nagtalaga rin ang pangulo ng mga bagong opisyal sa Bureau of Customs, Office for Alternative Dispute Resolution, Armed Forces of the Philippines, Department of Public Works and Highways, PAGASA, Philippine Commission on Women, at Land Bank of the Philippines. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

Maaaring larawan ng text na nagsasabing 'NEW APPOINTEES GOVERNMENT-OWNED OR -CONTROLLED CORPORATIONS Philippine Health Insurance Corporation EMMANUEL R. LEDESMA JR. President and Chief Executive Officer Member, Expert Panel, Board of Directors BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS ELI MENDIOLA REMOLONA JR. Governor @PCOGOVPH'

About The Author