Asahan ang magandang business at consumer confidence dahil sa bumababang inflation rate sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni House Ways and Means panel chief Cong. Joey Salceda ng Albay matapos ilabas ng PSA ang 5.4% inflation sa nagdang buwan ng Hunyo.
Ayon sa Bikolanong ekonomista, kung titingnan nasa food items pa rin ang double figure ng inflation, kaya sa kanyang pagtaya ang mungkahing itaas ang buwis sa sweetened beverages at bagong buwis sa junk food ay nangangailangan pa ng masusing pag-aaral.
Tinukoy nito ang harina o flour at bread products na nasa 11% inflation, milk, dairy; itlog, 11.25%; prutas at nuts, 11.4%; vegetables, 12.7%; habang ang sweetened beverage ay 7% inflation lamang.
Puna ng kongresista, ang lahat ng masustansya o healthier food alternatives sa junk food at inumin matamis ay sobrang mahal kaya atubili siyang magpataw ng karagdagang buwis.
Sa kabila nito masaya ang kongresista dahil ang rice inflation ay nanatiling mababa sa 3.6%. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News