Welcome move para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang decisive action ni PBBM para habulin at papanagutin ang tinawag nitong “unscrupulous businessmen” na nagsamantala sa presyuhan ng sibuyas at iba pang agricultural products.
Si Romualdez ang nag-utos para imbestigahan ng Kongreso ang manipulasyon sa supply ng produktong agrikultural sa pangunguna ng sibuyas na pumalo sa P700.00 per kilo.
Ayon sa presidential cousin, nakahanda ang Kamara na ibigay sa DOJ at NBI ang lahat ng datos na kanilang nahalungkat bilang panimula sa gagawing imbestigasyon.
Tiniyak din nito sa Pangulo na kasama nito ang Kamara sa pagbabantay laban sa mga mapag-samantalang negosyante at nagpapahirap sa taumbayan.
Una ditto, sinabi ng Palasyo na naging hudyat sa derektiba ni PBBM ang memorandum na ipinadala ni Marikina City Cong. Stella Luz Quimbo na nagsabing sapat ang katibayan na mayrong kartel ng sibuyas at siya ring nagmanipula kaya umabot ng P700.00 ang bentahan nito nong 2022. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News