dzme1530.ph

Pag-iisyu ng ID sa mga indibidwal, pamilyang naninirahan sa lansangan, makatutulong upang labanan ang exploitation

Makatutulong ang planong pagbuo ng database para sa mga pamilyang naninirahan sa kalsada upang malabanan ang exploitation sa vulnerable sector.

Ito ang binigyang-diin ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na ang impormasyon ay makabuluhan sa paggawa ng mga intervention upang maprotektahan ang mga indibidwal na nasa lansangan.

Nabatid na inilunsad kamakailan ng ahensya ang “Oplan Pag-Abot” program para sa mga indibidwal at pamilya na naninirahan sa mga kalsada sa Metro Manila.

Layunin nito na bigyan ng identification cards (IDs) at sumailalim sa biometric registration ang mga naturang indibidwal upang mabantayan ng DSWD.

Nilinaw naman ni Gatchalian na ang ibibigay na ids ay hindi ikonokonsiderang “government-issued” IDs at hindi maaaring gamitin para sa anumang transaksyon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author