Tinapos na ng bansang North Korea ang kanilang face mask mandate kontra COVID-19.
Ayon sa North Korean state television, bagamat wala namang opisyal na anunsyo mula sa gobyerno, kapansin-pansin na mayorya na ng mga tao sa kanilang bansa ang wala nang suot na face mask.
Hindi na rin mahigpit ang restriksyon sa mga establisyimento sa NoKor dahil nagsisiksikan na ang mga tao sa mga sinehan at iba pang pampublikong lugar.
Bukod dito, isa rin anila sa mga dahilan ng pag-alis ng mandato ay ang pagkalat ng skin at eye infection na sanhi ng paggamit ng face mask at mahigpit na mask control sa kanilang bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo