dzme1530.ph

Pagpapalabas sa pelikulang ‘Barbie’ sa bansa, nakadepende sa magiging kasunduan sa producer nito

Hindi pa makapagbigay ng konkretong stand si Senador Robin Padilla kaugnay sa usapin sa pelikulang ‘Barbie’ na una nang ipinagbawal na ipalabas sa Vietnam dahil sa pagpapakita ng nine-dash line ng China.

Ayon kay Padilla, sa ngalan ng pagiging patas, hindi siya maaaring gumawa ng personal na panawagan kaugnay sa pelikula hangga’t hindi pa niya ito napapanood.

Gayunman, sinabi nito na ang pagpapasiya kung maaaring ipalabas ang pelikulang ito ay depende sa messaging ng pelikula.

Kung makakaapekto anya ito sa arbitral ruling subalit papayag naman ang producer na i-edit out ang eksenang ito, ay walang problemang maipalabas ito sa bansa.

Subalit kung hindi anya magkaroon ng kasunduan na huwag maging usaping geopolitical ang pelikula, dapat itong pagbawalan na maipalabas. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author