dzme1530.ph

Mga miyembro ng IBP, pinayuhan na proteksiyunan ang mga karapatan at ipagtanggol ang batas

Pinaalalahanan ni Supreme Court Associate Justice Japar Dimaampao ang mga abogado na ipagtanggol, bantayan at protektahan ang mga karapatan ng bawat indibidwal at pagtibayin ang Rule of Law.

Sa kanyang naging talumpati sa ginanap na ika-50th Anniversary ng Integrated Bar of the Philippines  (IBP) Western Mindanao Regional Convention sa Dipolog City, itinulad ng mahistrado ang mga abogado sa mga sundalo na nasa battlefield na nakikipaglaban upang proteksiyunan ang mga karapatan at idipensa ang batas.

Kasabay nito ay pinapurihan ng mahistrado ang libreng tulong legal ng IBP sa mga mahihirap na litigant at nagpaalala na rin upang mapalapit sa Diyos.

Dagdag pa ng mahistrado na anumang kabutihan na ginawa sa kapwa ay ginawa na rin nila sa Diyos.

Sa huli, ay nag-alay ng panalangin si Justice Dimaampao na hindi lamang lalawak at lalakas ang IBP kundi magiging matatag sa pagsisilbi para sa kaluwalhatian ng Diyos. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author