dzme1530.ph

DOH, aaksyon upang masawata ang fake celebrity endorsement scams sa mga gamot

Gagawa ng aksyon ang Department of Health (DOH) upang masawata ang mga scammer na gumagamit ng pangalan at mukha ng mga sikat na personalidad upang i-endorso ang kanilang mga produktong medikal.

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, aatasan niya ang Food and Drug Administration (FDA) na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation upang mabunyag ang ugat ng nasabing scam.

Sinabi ni Herbosa na marami sa kanyang mga kaibigang doktor ay na-biktima at nagamit na sa mga gamot na hindi naman nila ine-endorso, kabilang na ang mga sikat na doktor na sina Dr. Willie Ong at Dr. Tony Leachon.

Kaugnay dito, pinapayuhan ang publiko na siguruhing aprubado ng FDA ang mga gamot na kanilang binibili, at mag-ingat sa mga gamot na smuggled.

Matatandaang naghain ng resolusyon si Sen. Jinggoy Estrada upang imbestigahan ang fake endorsements ng mga personalidad sa mga gamot. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author