dzme1530.ph

Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga sakit na maaaring makuha ngayong El Niño

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay ng mga sakit at iba pang banta sa kalusugan na maaaring makuha sa gitna ng matinding tagtuyot o El Niño.

Sa press briefing sa Malakanyang, tinukoy ni Health Sec. Ted Herbosa ang heat-related illnesses tulad ng heat exhaustion at heat stroke.

Kapag naapektuhan naman ang produksyon ng pagkain dahil sa pangmatagalang tagtuyot, maaari itong magdulot ng gutom at paglala ng malnutrisyon sa ilang lugar.

Samantala, ipinaliwanag ng DOH kaakibat din ng El Niño ang mas malalakas na pag-ulan, na magpapataas ng tyansa sa water-borne at vector-borne diseases tulad ng dengue at leptospirosis.

Kaugnay dito, paiigtingin pa ng DOH ang kampanya upang ipagbigay alam sa publiko ang mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng El Niño.

Matatandaang idineklara na ng pagasa ang opisyal na pagsisimula ng El Niño phenomenon sa bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author